![]()
Binalaan ng Department of Trade and Industry ang mga retailer na magsasamantala sa sitwasyon sa Gitnang Silangan.
Ipinaalala ng DTI na ang sinumang masasangkot sa hoarding at profiteering ay posibleng makulong ng hanggang 15 taon at magmumulta ng aabot sa dalawang milyong piso.
Nakapaloob ito sa ilalim ng Price Act at iba pang kaugnay na batas bilang proteksyon sa mga mamimili.
Kaugnay nito, hinimok ng DTI ang publiko na maging mapagmatyag at agad ireport sa mga awtoridad ang mga nag-aabuso sa presyo ng mga bilihin.
