Magpupulong bukas ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang talakayin ang Metro Manila Drainage Master Plan na layong tugunan ang matagal nang suliranin sa baha sa rehiyon.
Una nang inihayag ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na hindi na sapat ang 50-taong gulang na drainage system ng Metro Manila, lalo na tuwing malalakas ang pag-ulan.
Kahapon, binisita ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang Vitas Pumping Station at Solid Waste Granulator Facility sa Tondo, Maynila, kasama si MMDA Chairman Don Artes.
Ayon kay Pangandaman, pagtutugmain ng MMDA, DPWH, DEPDev, DENR, at National Irrigation Administration (NIA) ang kanilang mga plano at pondo para maisakatuparan ang drainage master plan.