dzme1530.ph

Merger ng LandBank at DBP, ibinasura na ni DoF Sec. Recto!

Ibinasura na ni Finance Sec. Ralph Recto ang planong merger o pagsasama sa Land Bank at Development Bank of the Philippines.

Ayon kay Recto, mas mainam na magkaroon pa rin ng dalawang magka-bukod na gov’t depository banks.

Sinabi pa ng Finance Chief na malaki ang pagkakaiba ng mandato ng LandBank at DBP.

Mababatid na ipinalutang ng predecessor ni Recto na si former Finance Sec. Benjamin Diokno ang merger ng dalawang bangko na magre-resulta umano sa P5.3-B na matitipid na pondo kada taon.

About The Author