dzme1530.ph

MERALCO, tiniyak ang sapat na supply ng kuryente ngayong Semana Santa

Siniguro ng Manila Electric Company (MERALCO) na hindi mawawalan ng kuryente sa National Capital Region ngayong Semana Santa.

Sa gitna ito ng babala ng Department of Energy na posible ang “yellow alerts” kung hindi sapat ang reserba ng kuryente, na maaaring pagresulta sa power outages sa susunod na mga buwan.

Bagaman tigil-operasyon ang business centers ng power distributor sa Huwebes Santo at Sabado de Gloria, nakahanda pa rin ang kanilang mga tauhan para tiyakin ang patuloy na serbisyo sa nasabing panahon.

Kaugnay nito, hinikayat ng MERALCO ang publiko na i-obserba ang mga sumusunod na power safety at energy efficiency measures ngayong Holy Week:

  • Pag-unplug ng hindi ginagamit na appliances, lalo na kung aalis ng bahay sa ng ilang araw.
  • Iwasan ang octopus connections, dahil posible itong mag-overheat at magdulot ng sunog.

About The Author