dzme1530.ph

MERALCO, nakapagtala ng P9-B net income sa Q1 ng 2023

Nakapagtala ang Manila Electric Company (MERALCO) ng P9-B core net income sa first quarter ng 2023, na mas mataas ng 40% kumpara noong nakaraang taon.

Kaugnay nito, tumaas din sa 23% o P105.6-B mula sa P85.9-B ang consolidated revenues ng power distributor dahil sa mataas na pass-through charges na nagreresulta sa pagsirit ng mga presyo sa wholesale electricity spot market, mataas na singil sa kuryente at paghina ng piso kontra dolyar.

Sinabi pa ng MERALCO na tumaas sa 17% o P10.41 per kilowatt-hour mula sa P8.89 per kwh ang kanilang average retail rate o singil sa kuryente.

Samantala, aabot naman sa 7.7-M customers sa first quarter ng taong ito ang naitala ng MERALCO, mas mataas ng 3% mula sa P7.5-M customers noong 2022. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author