Inanunsyo ng Manila Electric Company (MERALCO) ang bahagyang dagdag singil sa kuryente ngayong buwan ng Marso.
Sa panayam ng DZME Kinse Trenta, ang Radyo Uno, sinabi ni Claire Feliciano, head ng Public Relations Office ng MERALCO na dalawang sentimos ang kanilang idaragdag sa kada kilowatt hour ng kuryente.
“Katumbas po yan ng hindi po tataas ng 5 pesos na dagdag sa kabuuang bill sa isang pangkaraniwang pamilyang kumukunsumo ng 200 kilowatt hours… [so] para sa 300 kilo watt hours nasa 7 pesos po yan… sa 400 kilo watt hour nasa 9 pesos… at sa 500 kilo watt hour nasa 11 pesos…”
Sinabi ni Feliciano na bago pa sila nag-anunsyo ay mayroon na silang initial indication na bababa ang electricity rates.
“Actually medyo significant yung ibinaba ng generation charge… nasa 35 centavos kada kilo watt hour… and unfortunately ito po ay na-offset o ito po ay nabura nung pagtaas naman sa transmission charge o yung sinisingil po sa atin ng National Grid Corporation of the Philippines… so again, ito po yung naging dahilan sa pagtaas ng transmission charge, so kung hindi po bumaba ang generation charge, increase would have been higher…”
Dagdag pa ni Feliciano na tuloy-tuloy ang ginagawang paghahanda ng MERALCO kaugnay sa papasok na tag-init sa bansa na lagi naman umano nilang ginagawa taun-taon.
“Meron po kaming ginawang bidding o yung tinatawag po na Competitive Selection Process para po sa karagdagang 400 megawatts na supply… so meron na po tayong… natapos na po natin yan… and currently meron pa po tayong inaasahang 260 megawatts na ibi-big deal po natin… sa ngayon, we are optimistic naman po na meron po tayong naka-antabay na 400 megawatts na supply… and currently before we implement that hihingin natin ang approval ng Energy Regulation Commission… again, lahat po ng kontrata na pinapasukan ng MERALCO ay dumadaan sa review process at approval ng ERC… bago natin ito ipatupad, make sure na yung nakapaloob na rates dito ay fair at reasonable…”
‘Yan ang tinig ni Claire Feliciano ang MERALCO Public Relations Head.