dzme1530.ph

Megastar Sharon Cuneta, mala-financial advisor pagdating sa anak na si KC Concepcion

Mistulang naging financial advisor ang dating ni Megastar Sharon Cuneta sa kaniyang panganay na anak na si KC Concepcion.

Sa isang panayam, ibinahagi ni Megastar na bata pa lamang si KC ay pinapayuhan niya na ito na maging independent.

“I remember when she was young, sinasabi ko sa kaniya… I don’t need a man to make a living”

Kaya naman, nakikita niya ngayon ang reflection ng kaniyang itinanim sa isip ni KC.

Dagdag pa ni Sharon, na yumayaman ang isang tao sa kanilang iniipon na pera at hindi lang sa mga kinikita.

Lingid sa kaalaman ng iba, si KC conception ay bunga ng minsa’y pagmamahalan nina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta.