Ginawaran ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng Order of National Scientist ang medicine specialist na si Dr. Carmencita Padilla.
Sa seremonya sa President’s Hall sa Malakanyang ngayong araw ng Huwebes, iginawad kay Padilla ang Order of National Scientist bilang pagkilala sa malaki niyang kontribusyon sa larangan ng siyensiya at teknolohiya.
Pinuri ni Marcos ang expertise ni Padilla sa genetics, na malaki ang naitulong sa pagpasa ng Republic Act no. 9288 o ang Newborn Screening Act of 2004, Rare Diseases Act of 2016, at sa pagtatatag ng Philippine Genome Center.
Samantala, ginawaran din ng Presidential Medal of Merit si Department of Trade and Industry Assistant Secretary Allan Gepty.
Kinilala ang kontribusyon ni Gepty sa ratification ng Regional Comprehensive Economic Partnership o ang malayang kalakalan sa pagitan ng ASEAN countries at partner nations.
Umaasa ang Pangulo na ipagpapatuloy ng dalawang awardees ang taos pusong pagsisilbi sa bansa, pagiging ehemplo sa mga kawani ng gobyerno, at paghahatid ng inspirasyon sa mga Pilipino. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News