dzme1530.ph

Medical certificate at psychological clearance, dapat isama sa paghahain ng kandidatura ng mga politiko

Loading

Nanawagan si Sen. Erwin Tulfo sa Commission on Elections na gawin din na requirement ang pagpapasa ng medical certificate at psychological clearance ng mga indibidwal na maghahain ng certificate of candidacy.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Public Information and Mass Media, iginiit ni Tulfo na mahalagang matiyak na maayos ang kalusugan at kaisipan ng mga mahahalal na kandidato lalo na kung sila ay tatakbo para sa national position, upang matiyak na matatapos nila ang kanilang termino.

Binigyang-diin ng senador na hindi naman nila layong i-discriminate ang mga kandidato, pero mahalagang matiyak na may kapasidad, kapabilidad at kakayahan ang isang mananalong kandidato na magpatakbo ng opisina ng gobyerno.

Idinagdag pa ng mambabatas na dapat matiyak na maayos ang psychological condition ng isang kandidato upang kung sakaling ito ay mahalal, ay hindi magkakalat at hindi maging kahihiyan para sa mga bumoto rito.

About The Author