dzme1530.ph

Meat processing training para sa mga distressed OFW isinagawa ng OWWA

Loading

Nagsagawa ng pagsasanay ang OWWA Regional Office Region 6 ng meat processing training para sa mga distressed OFW katuwang ang Provincial Government ng Guimaras sa pamamagitan ng Provincial Economic Development Office.

Ayon sa OWWA, layunin nitong mabigyan ang mga OFW ng praktikal na kasanayan na maaaring gawing kabuhayan upang makatulong sa pang-araw-araw na pangangailangan ng kanilang pamilya.

Sa isinagawang pagsasanay, natutunan ng mga kalahok ang iba’t ibang pamamaraan sa paggawa ng produktong karne, mula sa tamang paghahanda ng sangkap hanggang sa pagproseso at pagpreserba.

Ang programang ito ay bahagi ng tuloy-tuloy na inisyatibo ng OWWA na maghatid ng makabuluhang skills training para sa mga OFW na nagbalik-bansa upang sila ay maging mas handa sa panibagong simula ng buhay.

About The Author