Umabot na sa mahigit 600 ang naitalang kaso ng measles sa bansa.
Ito ay base sa disease surveillance report ng Department of Health (DOH) mula Enero hanggang Mayo a-20 ngayong taon.
Ayon sa DOH, tumaas ito ng 339% mula sa 142 cases na record sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Dalawa naman ang napaulat na namatay dahil sa sakit sa loob ng 5-month period.
Pinakamataas ang kaso na naitala sa Zamboanga Peninsula na pumalo sa 90; Central Visayas, 81; Central Luzon, 62; at National Capital Region, 61; SOCCSKSARGEN, 50; Eastern Visayas, 56; at CARAGA na pumalo sa 38 cases. —sa panulat ni Jam Tarrayo