Mas maraming Pilipino ang pabor na makipagtulungan ang pamahalaan sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa war on drugs ng nakalipas na Duterte administration.
Sa resulta ng Dec. 10-14, 2023 survey ng OCTA Research sa 1, 200 respondents, 55% ang nais na tumulong ang pamahalaan sa ICC sa imbestigasyon sa madugong drug war.
45% naman ang tutol na makipagtulungan ang kasalukuyang administrasyon sa ICC.
Samantala, lumabas din sa kaparehong OCTA survey na 59% ng mga Pinoy ay pabor na muling maging bahagi ng ICC ang Pilipinas habang 41% ang tutol.