dzme1530.ph

Mayorya ng mga Pinoy, suportado ang muling paglahok ng Pilipinas sa ICC, ayon sa survey

Loading

Suportado ng mas nakararaming Pilipino ang pagbabalik ng Pilipinas sa International Criminal Court (ICC).

Batay sa resulta ng April 20 to 24 survey ng OCTA Research na ginamitan ng 1,200 adult respondents, 57% ng mga Pinoy ang sumusuporta sa panawagan na muling lumahok ang bansa sa ICC.

37% naman ang tutol sa pagbabalik ng Pilipinas sa ICC habang 6% ang undecided.

Pagdating naman sa awareness, 85% ng respondents ang nagsabing nakita, nabasa o narinig na nila ang tungkol sa ICC habang 13% ang hindi aware, at 1% ang nananatiling undecided.

About The Author