Mayorya ng mga Pilipinong botante ang nagsabing pipiliin nila sa May 2025 elections ang mga kandidatong pananatilihing abot-kaya ang presyo ng basic goods at mga serbisyo, pati na ang magpapabuti sa healthcare.
Sa April 10-16 Tugon ng Masa Survey ng OCTA Research na nilahukan ng 1,200 adult respondents, 53% ang nagsabi na affordable basic goods and basic services ang kanilang most critical concern.
Sinundan ito ng pangangailangan na pagbutihin at pagtibayin ang healthcare system na nakapagtala ng 50% at kahalagahan na patatagin ang agriculture sector at tiyakin ang stable na food supply na nasa 47%.
Kabilang din sa concerns ng mga Pinoy ang pagpapalawak ng job opportunities, 41%; at pagtugon sa kahirapan at gutom, 38%.