dzme1530.ph

Mayorya ng mga Pinoy, nakukulangan sa hakbang pamahalaan para maawat ang mataas na presyo ng mga bilihin at serbisyo

Loading

Mas maraming Pilipino ang naniniwala na kulang ang mga hakbang ng Marcos administration para makontrol ang mataas na presyo ng mga bilihin at serbisyo.

Batay ito sa resulta ng Social Weather Stations (SWS) survey na inisponsoran ng Stratbase Consultancy.

58% ng respondents ang nagsabing “definitely insufficient and somewhat insufficient” ang hakbang ng pamahalaan habang 16% ang naniniwalang sapat ang ginagawa ng gobyerno.

Hindi naman masabi ng 19% respondents kung sapat o kulang ang hakbang ng pamahalaan, habang 7% ang nagsabing wala silang sapat na kaalaman para magbigay ng opinyon.

Isinagawa ang Stratbase-SWS January 2025 pre-election survey, simula jan. 17 hanggang 20, sa pamamagitan ng face-to-face interview sa 1,800 registered voters sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas, at Mindanao.

About The Author