Duda pa rin ang mayorya ng mga Pinoy sa bisa ng bakuna kontra COVID-19.
Ito ang lumabas sa isinagawang face-to-face interview survey ng Social Weather Station (SWS) mula Disyembre 10 hanggang 14, 2022 sa 1,200 participants na may edad 18 pataas.
Base sa survey, 69% ng mga Filipino ang hindi pa nababakunahan laban sa virus dahil sa paniniwalang hindi ito epektibo.
Lumabas din sa pag-aaral na sa 13% na unvaccinated, 12% dito ang walang planong magpabakuna.
Habang 32% naman ng mga vaccinated ang nais pang magpa-booster at 44% ang ayaw na.
Matatandaang sa datos na inilabas ng Health Department, umaabot sa 62.6-M adults ang naturukan na ng COVID-19 vaccines.