Umalis na ang karamihan sa mga barko ng China sa West Philippine Sea.
Mula sa 26 na barko noong Martes, Marso 5, isang vessel na lamang ng China Coast Guard at dalawang Militia ships ang natitira sa Ayungin Shoal.
Nilinaw naman ni Western Command Commander Vice Admiral Alberto Carlos na hindi lahat ng nasabing bilang ng mga barko ang naging bahagi ng mapanganib na pagmani-obra at pagbomba ng water cannon sa supply boat na Unaizah May 4.
Nabatid na kasama si Carlos sa apat na navy personnel na sakay ng Philippine Coast Guard ship na nasugatan nang mabasag ang windshield ng barko dahil sa lakas ng impact ng water cannon attack.