dzme1530.ph

Mayor Vico Sotto nanawagan sa mga raliyista na huwag gumamit ng dahas

Loading

Nanawagan si Pasig City Mayor Vico Sotto sa mga nagpoprotesta laban sa umano’y korapsyon sa flood control projects na huwag gumamit ng karahasan.

Ito’y matapos maghagis ng putik at mag-spray paint ng mga salitang “magnanakaw,” “corrupt,” at “ikulong” ang mga raliyista sa gate ng St. Gerrard Construction, na pag-aari ng kontrobersyal na mga kontratista na sina Sarah at Curlee Discaya.

Sa isang Facebook post, sinabi ni Sotto na nauunawaan niya ang galit ng publiko ngunit iginiit na hindi dapat idaan sa karahasan ang paglabas ng saloobin.

Binigyang-diin nito na kung bumigay ang gate o may tamaan ng bato, hindi ang mga korap ang masasaktan kundi ang mga guwardiya, trabahador, at mismong raliyista.

Tiniyak din ng alkalde na patuloy ang pakikipagtulungan ng Pasig LGU sa imbestigasyon, pagbuo ng kaso, at posibleng pagsasampa ng reklamo laban sa Discaya companies at iba pang lumalabag sa batas.

About The Author