dzme1530.ph

Mayor Guo, pinayuhang magpakatotoo na

Hinimok ni Sen. Risa Hontiveros si suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na magsalita kasunod ng paghahain ng Office of the Solicitor General (OSG) ng petisyon para sa kanselasyon ng “certificate of live birth” ng alkalde.

Ayon kay Hontiveros, tuluyan nang nakorner si Guo kaugnay sa kanyang pang-aabuso sa late registration ng birth certificate kaya mas mabuti pang kumalas na ito at ilantad ang mga nasa likod ng malawakang scam enterprise sa Tarlac.

Pinayuhan pa ng senador si Guo na humarap na sa susunod na pagdinig at magpakatotoo na.

Napatunayan naman na aniya sa imbestigasyon ng Senado na simula pa lang ay irregular ang birth certificate ni Guo

Kaya naman, sinabi pa ng mambabatas na karapat-dapat lang ang aksyon ng OSG na ipakansela ang birth certificate ng Mayor.

About The Author