dzme1530.ph

Mayor Baste Duterte, muling binanatan si Pangulong Marcos; tinawag na scam ang pangako nitong P20 na kada kilo ng bigas

Binanatan naman ni Davao City Mayor Sebastian Duterte si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa pagsasabing scam ang ipinangako nito noong kampanya na ibababa sa P20 ang kada kilo ng bigas.

Ginawa ni Mayor Duterte ang pagbatikos sa Pangulo sa Prayer Rally na dinaluhan nila ng kanyang ama na si dating pangulong Rodrigo Duterte sa Cebu City.

Sinabi pa ng Alkalde na pinapaasa lamang ni Pangulong Marcos ang mga Pilipino.

Binigyang diin ng nakababatang Duterte na anumang salita na binitawan ng isang pulitiko sa entablado ay hindi makakalimutan ng mga tao.

About The Author