dzme1530.ph

Mayor Alice Guo, nasa bansa pa rin, ayon sa Immigration

Tiniyak ng Bureau of Immigration na nasa Pilipinas pa rin si suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo o kilala rin bilang Guo Hua Ping.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Women, sinabi ni Atty. Homer Arellano ng Bureau of Immigration, base sa latest check nila sa records, wala pang record of departure sa alkalde.

Kasabay nito, tiniyak ni Arellano na naakalerto na rin ang lahat ng paliparan at subport at kung sakaling magpapakita siya ay agad nila itong malalaman.

Samantala, inirekomenda na ni Sen. Jinggoy Estrada na ipasuri rin sa government doctor ang alkalde lalo’t para sa kanya ay hindi katanggap-tanggap ang excuse nito kaugnay sa kanyang mental illness.

Bukod naman sa alkalde, hiniling ni Estrada sa BI na halukayin din ang records ng iba pang personalidad na nababanggit upang malaman kung hindi pa umaalis ng bansa ang mga ito.

Kasabay nito, nilinaw ng BI na hindi pa saklaw ng hold departure order si Mayor Guo at iba pang personalidad dahil wala pang nailalabas na warrant of arrest laban sa mga ito.

Sa ngayon ay Immigration Lookout Bulletin order pa lamang ang nailalabas laban sa alkalde kahit na mayroon na silang kasong human trafficking.

Samantala, pinangalanan na ni PAGCOR Chairman Alejandro Tengco ang sinasabi niyang dating cabinet official na nagsilbing tulay para makakuha ng lisensya ang isang POGO hub.

Ikinuwento ni Tengco ang ilang beses na pagtungo sa kanilang tanggapan ni dating Presidential Spokesman Harry Roque kasama si Cassandra Ong matapos na ring magkaroon ng problema ang kumpanya na Lucky South 99.

Sinabi ni Tengco na isinalaysay sa kanya ni Ong na ang nagsisilbing kontak nila si Dennis Cunanan para sa pagbabayad ng kanilang arrears na $500,00 para sa PAGCOR dahil si Cunanan ang naglakad ng lisensya nila.

Kinumpirma ni Tengco na nang lumapit sila sa PAGCOR ay mag-eexpire na ang lisensya nila kaya nakipagmeeting na sila sa kanya kasama si Roque.

Subalit nilinaw ni Tengco na hindi naman sila prinessure ni Roque para sa kumpanya subalit kinalaunan ay dumiretso na ang dating opisyal sa kanyang tauhan na si Atty. Jessa Fernandez.

About The Author