![]()
Ginunita ng Lungsod ng Maynila ang ika-81 Anibersaryo ng Battle of Manila noong Pebrero 3 sa St. Paul University Manila.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso na ang pagkawasak ng lungsod noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang humubog sa katatagan at pagkakaisa ng mga Manileño—mga katangiang patuloy na nagsisilbing lakas ng Maynila hanggang sa kasalukuyan.
Binigyang-diin ng alkalde na ang paggunita ay hindi lamang pagbabalik-tanaw sa kasaysayan kundi pagbibigay-pugay sa mga beteranong Pilipino na nag-alay ng sakripisyo para sa kalayaan ng lungsod noong 1945.
Dagdag pa niya, bagama’t hindi na digmaan ang kinahaharap ng Maynila ngayon, nananatiling seryoso ang mga hamon tulad ng sakuna, climate change, krisis sa kalusugan, at disinformation—na nangangailangan ng patuloy na bayanihan at sama-samang pagkilos.
