dzme1530.ph

Maximum suggested retail price sa karneng baboy, ibabalik ng DA

Loading

Ibabalik ng Department of Agriculture (DA) ang maximum suggested retail price (MSRP) para sa karneng baboy.

Ayon kay DA Sec. Francisco Tiu Laurel Jr., target nila na ibalik ang MSRP sa karneng baboy sa katapusan ng Hulyo o unang bahagi ng Agosto, depende kung magkakaroon ng kaunting delay.

Sinabi ni Tiu Laurel na ang price limit ay mananatili sa ₱350 per kilo para sa pigue at kasim.

Idinagdag ng Kalihim na malaki ang gagampanang papel ng government corporation na Food Terminal Inc. (FTI), para tugunan ang tumataas na presyo ng karneng baboy sa mga palengke.

Bibili rin aniya ang FTI ng buhay na baboy, direkta mula sa mga farm at ibebenta sa mga retailer, para ipasa sa mga consumer.

Humihirit ang DA ng ₱500 million na pondo sa pamahalaan para sa pambili ng 150,000 metric tons ng buhay na baboy.

About The Author