dzme1530.ph

Matinding problema ng bansa sa solid waste management, tutugunan sa Green Economy Program ng Pilipinas at EU

Inihayag ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na ang matinding problema sa solid waste management ng Pilipinas ay kabilang sa mga tutugunan sa pinaplanong Green Economy Program ng Pilipinas at European Union.

Sa press briefing sa Malakanyang, ibinahagi ni DENR Sec. Maria Antonia Yulo-Loyzaga na ang Pilipinas ay lumilikha ng 61,000 metric tons ng solid waste kada araw.

24% nito ay plastic waste, at mahigit 160-M plastic sachet packets at 40-M shopping bags at thin film bags ang nako-konsumo kada araw.

Kaugnay dito, sa ilalim ng Green Economy Program ay inaasahang mabubuo ang polisiya na magiging alinsunod sa Extended Producer Responsibility Law.

Sisikapin ding mapigilan na makarating sa karagatan ang plastic waste.

Binanggit din ng kalihim ang “reprocessing” at “repurposing” ng plastic waste para magkaroon pa ito ng pakinabang sa ekonomiya.

Iginiit ng DENR Chief na kinakailangan ang whole-of-society approach sa isyu ng solid waste management, at kabilang dito ang pakikipagtulungan ng pribadong sektor at mga negosyo, mga lokal na pamahalaan, at lalo na ang highly urbanized areas na nagpo-produce ng mataas na volume ng basura. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author