dzme1530.ph

Matinding bugso ng La Niña at mga bagyo, inaasahang sa huling bahagi ng taon pa mararanasan

Inaasahang sa huling bahagi ng taon pa mararanasan ang matinding bugso ng La Niña at mga bagyo.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon public briefing, inihayag ni PAGASA Deputy Administrator for Research and Development Marcelino Villafuerte II na sa ngayon ay papatapos pa lamang ang El Niño at nagpapatuloy pa ang transition sa neutral phase.

Sa Hulyo, Agosto, o Setyembre pa rin umano magkakaroon ng 69% na tyansa ng pagpasok ng La Niña, at mararamdaman ang kasagsagan nito hanggang sa unang quarter ng 2025.

Samantala, 13 hanggang 18 bagyo naman ang nakikitang papasok sa bansa ngayong taon, kasama na ang kalalabas lamang na bagyong Aghon.

Inaasahang tutumbukin ng mga bagyo ang gitnang bahagi ng bansa at ang Mindanao.

About The Author