Iginiit ni Senador Erwin Tulfo ang pangangailangan ng agarang imbestigasyon sa paulit-ulit at matitinding pagbaha sa Puerto Princesa City, Palawan kasunod ng panibagong insidente ng pagbaha nitong nakaraang Biyernes, Hulyo 18.
Sa ulat, halos 100 pamilya ang nirescue ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard sa isang barangay sa lungsod matapos bahain dulot ng Bagyong Crising.
Bukod dito, nasa mahigit 6,000 pamilya mula sa 31 barangay ang naapektuhan at nawalan ng tirahan.
Una nang isinailalim sa state of calamity ang lungsod noong Pebrero nang malubog ito sa baha dahil epekto ng “shear line” o mabilis na pagbabago ng direksyon ng hangin.
Sinabi ni Tulfo na dapat matukoy ang dahilan ng palagiang paglubog sa baha ng lungsod at agad na maaksyunan.
Ilan anya sa dapat siipin ay kung maayos ang drainage system sa lugar o kung palpak ang urban planning bukod sa pagtukoy kung kalbo na ang kabundukan dahil sa illegal logging at mining.
Kaya nitong araw na ito sinabi ni Tulfo na ihahain niya ang resolusyon para magsagawa ang Senado ng pagdinig sa isyu at malaman ng mga residente ng Palawan ang paliwanag sa kanilang suliranin.