Naniniwala si Sen. Lito Lapid na pagpapakita ito ng pagiging seryoso ng administrasyon sa paniningil ng pananagutan sa mga sangkot sa palpak na flood control projects.
Aniya, panahon nang ituon ang atensyon sa mga isyung may kinalaman sa kabuhayan.
Binigyang-diin niya na sa mga nakalipas na panahon, nangingibabaw ang bangayan sa pulitika habang napapabayaan ang hinaing ng taumbayan.
Habang mahalaga ang laban sa katiwalian, hindi dapat nakakaligtaan ang pangangasiwa sa serbisyo-publiko.
Umaasa si Lapid na sa natitirang taon ng termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., mas ilalapit pa sa mamamayan ang mga programa ng gobyerno.
Dagdag niya, kailangan ng bansa ng mas maayos na serbisyong pangkalusugan, edukasyon, transportasyon, at patubig, hindi ang walang katapusang bangayan.