Naniniwala si Sen. Ramon Bong Revilla Jr. na indikasyon ng pagkilala ng publiko sa magagandang nagagawa ng administrasyon ang mataas na satisfaction rating ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Umaasa ang Senador na pananatilihin ni Pangulong Marcos ang kanyang pagsisikap na mapaunlad pa ang bansa.
Ito ay makaraang lumitaw sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations na 65% ng mga Pilipino ang kuntento sa performance ng Pangulo habang nakuha nito ang 47% net satisfaction rating.
Sinabi ni Revilla na ang mataas na satisfaction rating ng Pangulo ay pagkilala sa pagsisikap nito na tugunan ang mga pangangailangan ng bawat Pilipino.
Malaki anya ang maitutulong nito sa paghikayat ng mga negosyante na maglagak ng puhunan sa bansa.
Ito ay dahil sa lumilitaw na may kumpiyansa ang ating mga kababayan sa mga programa at sa liderato ng Pangulo.