Inihayag ng Malakanyang na inaasahang huhupa na ang mataas na presyo ng bigas sa bansa.
Ito ay sa harap ng naitalang 14-year high 17.9% rice inflation rate, na isa sa mga nagtulak sa pangkabuuang 6.1% inflation rate para sa buwan ng Setyembre.
Ayon sa Presidential Communications Office, nakikita na ng economic managers ang pagbaba ng presyo ng bigas dahil sa paglakas ng lokal na produksyon sa pagsisimula ng harvest season.
Kaakibat din nito ang nakatakdang pagpasok ng imported ng bigas.
Samantala, patuloy din umanong nagdodle-kayod si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at ang gabinete upang mapababa ang transportation cost, kasabay ng long-term investments sa irigasyon at modernisasyon sa pagsasaka.
Tiniyak ng Palasyo ang patuloy na pagtugon ng gobyerno sa mga hamon ng inflation o ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News