Tumaas ang presyo ng ilang pangunahing bilihin tulad ng bigas at cooking oil nitong unang mga araw ng Abril.
Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), umabot sa 51 pesos and 39 centavos ang average na retail price kada kilo ng Regular Milled Rice noong April 1 hanggang 5, mula sa 51 pesos and 21 centavos noong nakaraang buwan.
Nasa 156 pesos and 78 centavos kada litro naman ang presyo ng Cooking Oil, na mas mataas kumpara sa 154 pesos and 75 centavos noong marso.
Iniuugnay ng psa ang tumaas na presyo ng bigas sa mababang produksyon, dahil sa pinsala sa mga Irrigation System.