Patuloy na mararamdaman ang mataas na heat index sa ilang bahagi ng bansa ngayong Mayo, subalit hindi na kagaya ng record-high temperatures na na-monitor noong Abril.
Ayon kay PAGASA Climate Monitoring and Prediction Section Chief Ana Liza Solis, noong nakaraang buwan ay mas maraming lugar ang nakapagtala ng mataas na heat index o discomfort level.
Subalit ngayon aniya, bagaman mararanasan pa rin sa ibang lugar ang matataas na discomfort level ay hindi na ganoon karami ang mga area.
Idinagdag ng PAGASA official na posibleng maranasan simula sa ikalawang bahagi ng Mayo ang local thunderstorms.