Tinukoy ng Malakanyang ang apat na sanhi ng naitalang 4.3% na paglago ng ekonomiya sa ikalawang bahagi ng taon.
Una rito ay ang pagtaas ng employment rate, na naitala sa 95.5% para sa buwan ng Hunyo.
Ikalawa ay ang pagbangon ng turismo, habang ang pangatlo ay ang pagtaas ng registration activities sa investments.
Habang ang ika-apat ay ang pagbabalik ng face-to-face classes ng mga mag-aaral, matapos ang matagal na mga lockdown bunga ng COVID-19 pandemic.
Samantala, sinabi naman ng economic managers na ang paglago ng gross domestic product ay ibinunga ng pagsigla ng tourism-related spending at commercial investments. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News