dzme1530.ph

Mataas na consumer spending sa gitna ng mababang inflation, na-obserbahan

Nananatiling mataas ang consumer spending ng mga Pilipino sa gitna ng “high” inflation rate sa bansa.

Ito ang sinabi ni Mastercard Country Manager for the Philippines Simon Calasanz na patuloy niyang na-oobserbahan ang madalas na pagbisita ng mga mamimili sa grocery stores, lalo na nitong matapos ang kasagsagan ng pandemya.

Ayon pa kay Calasanz, nakikita rin niya ang madalas na paggastos ng mga Pinoy sa mid-range at lower priced restaurants kumpara sa high-end food places.

Ipinapakita aniya nito na kahit mataas ang inflation sa bansa ay mapapansin pa rin ang madalas na pamimili ng mga Pilipino, na isang magandang indikasyon ng consumer spending na posibleng patuloy na makita sa mga susunod na buwan. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author