dzme1530.ph

Masustansyang Pagkain para sa Batang Pilipino Act, target palakasin pa –Rep. Vargas

Loading

Binigyang-diin ni Quezon City 5th District Representative PM Vargas ang pangangailangang palakasin pa ang implementasyon ng Masustansyang Pagkain para sa Batang Pilipino Act o Republic Act 11037.

Sa katatapos na paggunita ng School Health Week, sinabi ni Vargas na nananatiling pangunahing hadlang sa edukasyon at pag-unlad ng mga bata ang malnutrisyon.

Ito ang nais tugunan ng House Bill 5681 na kanyang inakda upang mapalawak at ma-update ang nutrition program ng pamahalaan para sa mga batang estudyante.

Sa mga iminungkahing amyenda, isasama ang pagbibigay ng fortified hot meals at milk-based supplements, pati na rin ang mas pinatibay na koordinasyon ng Department of Education (DepEd), Department of Social Welfare and Development (DSWD), at Department of Health (DOH) sa pagpapatakbo ng mga centralized school kitchen at pakikipag-ugnayan sa mga lokal na food supplier.

Giit ni Vargas, ang pag-iinvest sa nutrisyon ay isang pamumuhunan din para sa pambansang kaunlaran, dahil mas mahusay matuto ang mga mag-aaral kung hindi sila nagugutom.

Hinimok din ng mambabatas ang lahat ng sektor na magkaisa sa pagsusulong ng mga programa para sa kalusugan at nutrisyon ng mga kabataan.

Dagdag pa ni Vargas, ang tunay na edukasyon ay hindi lamang nasusukat sa pagbabasa at pagsusulat, kundi sa pangangalaga rin sa kalusugan ng mga mag-aaral.

About The Author