Ang kalabasa ay isa sa pinakamasustansyang gulay.
Taglay nito ang vitamin c, vitamin a, fiber, folate, copper, riboflavin at phosphorus.
Ngunit alam niyo ba na ang labis na pagkain ng buto ng kalabasa ay may masamang epekto sa kalusugan?
Sa pag-aaral, ang pumpkin seeds ay siksik sa calories na maaaring makapagpadagdag ng timbang.
Maaari ring maranasan ang pananakit ng tiyan dulot ng kabag, bloating, at constipation.
Sa sobrang pagkonsumo ng buto ng kalabasa, posibleng bumaba ng husto ang blood sugar levels o ang tinatawag na hypoglycemia na mapanganib para sa mga diabetic. —sa panulat ni Airiam Sancho