dzme1530.ph

Mas pinalawak na payment access, handog ng partnership ng Bayad at DigiPlus

Loading

Mas pinadali na ang pagpopondo ng account ng mga manlalaro ng BingoPlus, ArenaPlus, at GameZone, dahil maaari na silang mag-cash in o magdeposito sa mahigit 800 sangay ng Bayad sa buong bansa simula ngayong buwan.

Sa kauna-unahang pagkakataon, nagsanib-puwersa ang DigiPlus Interactive Corp. (DigiPlus), ang nangungunang digital entertainment provider sa bansa, at Bayad, isa sa pinakakilalang bills payment service provider, upang mapalawak ang payment channels para sa mga online player.

Pormal na nilagdaan ang kasunduan noong Oktubre 8, sa pangunguna nina DigiPlus Chairman Eusebio Tanco, AB Leisure Exponent Inc. President Jasper Vicencio, Bayad Chairman Ray C. Espinosa, at Bayad President and CEO Lawrence Y. Ferrer.

Sa ilalim ng partnership, maaaring mag-over-the-counter (OTC) cash-in o deposito ang mga customer ng DigiPlus sa Bayad Centers at partner outlets sa mga mall, supermarket, at convenience store sa buong bansa.

Epektibo agad ang kasunduan, kung saan DigiPlus ang tanging gaming partner ng Bayad para sa OTC cash transactions.

Ang Bayad ay accredited ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) bilang isang electronic money issuer (EMI). Ayon sa DigiPlus, nakikipagtulungan lamang sila sa mga BSP-accredited payment channels, alinsunod sa mga patakaran ng PAGCOR, upang matiyak ang ligtas at legal na transaksyon ng mga manlalaro.

Ipinahayag din ng dalawang kumpanya na sunod nilang ilulunsad ang mga karagdagang serbisyo gaya ng cash-out o withdrawal at access sa pamamagitan ng Bayad app, para sa mas maginhawa at ligtas na pamamahala ng pondo ng mga manlalaro.

About The Author