Nakikipagtulungan ang Department of Finance (DOF) sa Department of Health (DOH) upang isulong ang mas mataas na buwis sa junk foods at sweetened beverages upang matugunan ang mga sakit tulad ng diabetes at labis na katabaan o obesity.
Sa isang pahayag, sinabi ng DOF na target ng ahensya na magpatupad ng P10.00 tax per 100 grams o P10.00 per 100milligrams sa mga pagkaing kulang sa nutritional value at lumampas sa batayan ng DOH para sa dami ng salt, fat, at sugar content.
P12.00 per liter naman ang ipapataw na buwis para sa sweetened beverages, anumang uri ng pampatamis ang ginamit dito.
Sakali namang ma-implementa ang bagong buwis, inaasahan na magkakaroon ng karagdagang kita ang gobyerno na aabot sa P76-B sa loob ng isang taon, at tinatayang bababa sa 21% ang pagkonsumo sa junk foods.
Una nang nanawagan ang DOH nang mas mataas na sin taxes sa junk foods, na layong mabawasan ang indibidwal na obese sa bansa.
Batay sa datos ng UNICEF, halos 27-M Pilipino ang overweight at obese. —sa panulat ni Airiam Sancho