dzme1530.ph

Mas mataas na diskwento para sa seniors with disabilities, isinusulong sa Kamara

Loading

Isinusulong ni Senior Citizen Party-list Rep. Rodolfo Ordanes na itaas sa 30% ang diskwento para sa mga senior citizen with disabilities (SCWD).

Sa House Bill 5189 na inakda ni Ordanes, ipinaliwanag niyang kinakain na ng inflation ang kasalukuyang 20% discount sa mga senior citizen at PWD.

Paliwanag pa nito, karamihan sa mga senior citizen ay hindi naman PWD, kaya’t hindi malulugi ang mga negosyo kung gagawing 30% ang diskwento sa mga SCWD o seniors na may kapansanan.

Maibabawas din umano sa taxable income ng mga negosyo ang diskwentong ibibigay sa mga SCWD.

Nire-retain din ng HB 5189 ang VAT at income tax exemptions para sa mga working seniors na tumatanggap ng minimum wage.

Kung si Ordanes ang masusunod, nais pa niyang itaas ang tax exemptions sa mga “de minimis” o maliliit na benepisyo, katulad ng bank deposit na hindi lalampas sa ₱5,000, na hindi na papatawan ng final tax on interest income.

About The Author