Plano ng Department of Agriculture (DA) na ilaan ang mas malaking bahagi ng pork imports sa ilalim ng 55,000 metric tons ng minimum access volume (MAV) quota sa meat processors, habang “significant” portion sa attached agencies nito.
Inihayag ni Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel Jr. na ang “general direction” ay i-allocate ang 30,000 metric tons sa meat processors, upang ma-stabilize ang presyo ng karneng baboy sa mga palengke na pumalo na sa mahigit ₱400 per kilo.
Gayunman, sinabi ni Tiu Laurel na ang alokasyon ay isasapinal pa sa mga susunod na linggo.
Sa pinakahuling datos mula sa DA, ang presyo ng karneng baboy sa Metro Manila ay naglalaro sa ₱230 hanggang ₱435 per kilo, na maiuugnay umano sa matagalang epekto ng african swine fever (ASF) outbreak.