dzme1530.ph

Mas masiglang relasyon ng PH at IDN, inaasahan sa nakatakdang pag-upo ng bagong Indonesian President

Inaasahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mas masiglang relasyon ng Pilipinas at Indonesia sa nakatakdang pag-upo ng bagong Indonesian President na si Prabowo Subianto.

Sa courtesy call sa Malacañang ni Prabowo, inihayag ng Pangulo na patuloy ang paglago at nananatili sa matatag na lebel ang ugnayan ng dalawang bansa sa mga nagdaang taon.

Ito ay sa mga aspetong people-to-people ties, politikal, at ugnayang diplomasya na nasa ika-75 taon na mula nang mabuo noong 1949.

Kaugnay dito, naniniwala si Marcos na ang pag-bisita ng incoming Indonesian leader ay magbibigay ng panibagong sigla para sa mas maigting at mas malalim na relasyon ng dalawang bansa.

Sinabi naman ni Prabowo na nais niyang pagtibayin ang commitment ng Indonesia sa mga kaibigang bansa tulad ng Pilipinas.

Si Prabowo ay magsisimulang manungkulan sa Okt. 20 at papalitan niya si outgoing Indonesian President Joko Widodo. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author