dzme1530.ph

Mas maraming estudyante, inaasahang makikinabang sa 2026 national budget

Loading

Kumpiyansa si Senador Bam Aquino na mas maraming estudyante ang makikinabang sa ilalim ng 2026 national budget.

Ito ay makaraan anyang ilaan sa sektor ng edukasyon ang P1.35 trilyon ng kabuuang pondo na siyang pinakamalaking pondo para sa edukasyon sa kasaysayan ng Pilipinas.

Ayon kay Aquino, ang makasaysayang pondo ay magreresulta sa konkretong suporta para sa mga estudyante sa buong bansa.

Kasama sa P1.35-trilyong budget para sa edukasyon – na mas mataas sa halos P1 trilyon ngayong 2025 – ang P67 bilyon para sa implementasyon ng Republic Act No. 10931, o ang Free College Law kasama na ang Tertiary Education Subsidy o allowance para sa mahihirap na estudyante.

Naglaan din ng P68 bilyon para sa konstruksyon ng mga silid-aralan at P25.6 bilyon para sa School-Based Feeding Program.

Kasama rin sa 2026 national budget ang panukala ni Aquino na maglaan ng P500 milyon sa ilalim ng Maintenance and Other Operating Expenses ng Higher Education Development Program, para sa Financial Support para sa RLE Requirements sa Allied Health Sciences Programs.

About The Author