dzme1530.ph

Mas malaking buwis, inaasahang makokolekta ng gobyerno sa implementasyon ng Anti-Agricultural Economic Sabotage Act

Kumpiyansa si Sen. Loren Legarda na mas malaking buwis ang makokolekta ng gobyerno sa sandaling maipatupad na ang Republic Act no. 12022, o Anti-Agricultural Economic Sabotage Act.

Ito, ayon kay Legarda ay dahil inaasahan nilang mabibigyan solusyon sa implementasyon ng bagong batas ang smuggling ng mga produktong agrikultural.

Layon ng batas na bawasan ang smuggling, profiteering at hoarding ng produktong agricultural sa bansa upang maibaba ang presyo ng pagkain, at paramihin ang pagkain sa hapag ng pamilyang Pilipino.

Sa tamang pagpapatupad aniya ng batas ay magkakaroon ng mas mabisang kapangyarihan na hulihin, kasuhan, at parusahan ang mga mapang-abusong mga kawatan sa mga magsasaka.

Binigyang-diin pa ng Senadora ng hangad nilang maitaguyod ang mas magandang buhay sa mga magsasaka, na kadalasang nasasamantala ng mga mandarayang negosyante, at nasasalanta ng mga delubyo taon-taon. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author