![]()
Umapila si Cavite Rep. Lani Mercado-Revilla para sa mas malakas na proteksyon sa mga kababaihang biktima ng digital at online abuses.
Sa all-women’s session bilang pagpupugay sa National Women’s Month, kinalampag ni Mercado-Revilla ang mga korte na pabilisin ang proseso ng mga kaso ng Violence Against Women and Children, at kung maaari, isama rin ang digital safety provisions bilang tugon sa lumalalang online abuses.
Paggigiit nito, ang kababaihan ay hindi lang sentro ng pamilya at komunidad, kundi sentro rin ng economic at social stability ng bansa.
Bukod sa mga humahawak ng matataas at sensitibong posisyon sa pamahalaan, marami ring kababaihan ang nasa workforce at entrepreneurship sectors.
Dismayado ang mambabatas dahil hanggang ngayon, umaandar pa rin aniya sa lipunan ang pagbaliwala sa tinawag nitong “care economy,” ang pag-aalaga sa mga bata, matatanda, at may sakit na pawang kababaihan ang pumapasan.
Dagdag pa nito, kapag ang budget ng isang tahanan ay kinakapos, pangangailangan ng mga babae ang unang sinasakripisyo.
