Maraming lugar sa bansa ang maaaring makaranas ng mas mainit kumpara sa karaniwang temperatura simula ngayong Hunyo hanggang sa Agosto.
Gayunman, sinabi ni PAGASA Weather Specialist Joanne Adelino na ilang bahagi ng Northern at Western Luzon at Mindanao ang posibleng makaranas ng “localized near average to below average temperatures” simula Setyembre hanggang Oktubre.
Habang maraming parte aniya ng bansa ang mananatiling nasa ilalim ng estado ng “near to slightly above average temperatures.”
June 3 nang ianunsyo ng state weather bureau na ititigil na nila ang paglalabas ng daily heat index kasunod ng pagsisimula ng tag-ulan noong June 2.
Sa kabila naman nito ay pinayuhan ng PAGASA ang mga residente sa mga lugar na nakakaranas pa rin ng matinding init na ingatan ang kanilang kalusugan.