Naniniwala ang Philippine Travel Agencies Association (PTAA) na may negatibong epekto sa ekonomiya ang mas mahigpit na rules sa Chinese nationals na bumibisita sa Pilipinas.
Sinabi ni PTAA President Evangeline Tankiang-Manotok na mga turistang tsino ang major source ng income sa Pilipinas, at posibleng mawalan ng gana ang mga Chinese na magtungo sa bansa kung pahihirapan sila sa pagpasok.
Nagbabala rin si Manotok na posible pa nga na mag-isyu ang China ng travel advisories laban sa Pilipinas.
Noong nakaraang linggo ay inanunsyo ng Department of Foreign Affairs na hihigpitan ng Pilipinas ang visa requirements para sa Chinese tourists, sa gitna ng dumaraming iligal na aplikasyon na natatanggap ang Philippine Embassy at consulates sa China.