Iminungkahi ni Senate Minority Leader Vicente Tito Sotto III na gawing tatlo hanggang limang taon mula sa kasalukuyang isang taon ang blacklisting sa mga tiwaling kontratista.
Bukod dito, iginiit din ni Sotto na magtakda ng limitasyon sa dami ng government infrastructure projects na maaaring makuha ng isang kontratista.
Kinatigan ni Sen. Panfilo Lacson ang suhestyon kasabay ng panawagang silipin ang interlocking directorships ng ilang kontratista matapos matuklasan na may magkakatulad na directors sa ilang kumpanya.
Iginiit din ni Lacson na dapat may mas mahigpit na koordinasyon ang mga ahensya ng gobyerno upang matiyak ang check and balance at maiwasan ang collusion o sabwatan.