![]()
Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mas mabilis na pamamahagi ng ayuda sa mamamayan, partikular sa senior citizens, anuman ang kanilang political affiliation.
Sa kaniyang latest vlog, sinagot ng Pangulo ang concern ng isang netizen na nagsabing pahirapan ang pagkuha ng ayuda sa gobyerno dahil kailangan pang maghintay ng matagal para sa mga pulitikong magtatalumpati.
Binigyang diin ni Marcos na hindi dapat ginagamit ng mga pulitiko ang mga programa ng National Government para umepal o i-promote ang kanilang sarili.
Ipinaalala ng punong ehekutibo na may umiiral na polisiya, sa ilalim ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na ipinagbabawal ang naturang gawain.
Idinagdag ng pangulo na pinag-aaralan din ng pamahalaan ang posibilidad na gawing digital ang pamamahagi ng ayuda para maiwasan ang mahabang pila.| via Lea Soriano-Rivera
