Inaasahan ng Department of Agriculture ang pagbaba ng produksyon ng palay ngayong taon bunsod ng pinsalang idinulot ng tagtuyot dahil sa El Niño at ilang malalakas na bagyo.
Ayon kay Agriculture Assistant Secretary at Spokesperson Arnel De Mesa, batay sa kanilang pagtaya ay mas mababa ang output ngayong 2024 kumpara noong nakaraang taon dahil sa laki ng pinsala ng El Niño at sunod-sunod na bagyo bago pa man tumama ang Severe Tropical Storm Kristine.
Una nang tinaya ng d-a na babagsak ang palay production sa 19.41 metric tons ngayong taon, mas mababa ng 3.24 percent kumpara sa 20.06 million metric tons noong 2023.
Idinagdag ni de Mesa na naapektuhan ng bagyong Kristine ang major Rice-Producing Regions at Areas, kaya inaasahan na nila ang napakalaking Agricultural damage sa buong Bansa. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera