dzme1530.ph

Mas maayos na pamamalakad sa DOF, inaasahan sa pamumuno ni Recto

Haharap na bukas sa Commission on Appointments (CA) si dating Senador at ngayo’y Finance Secretary Ralph Recto para sa kumpirmasyon ng ad interim appointment nito.

Naniniwala naman ang mga senador na walang magiging problema sa kumpirmasyon ni Recto bilang dati itong kasamahan sa Senado at maging sa Kamara.

Maging ang Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG ay nagpahayag na ng suporta sa liderato ni Recto sa DOF.

Sa pahayag na ipinadala sa CA, sinabi ni SINAG Chair Rosendo So panahon nang pamunuan ang DOF ng isang taong may kakayahan sa Finance and Economics at may pang-unawa sa Agriculture sector.

Si Recto ang naging katuwang ng agriculture sector sa pagsasabatas ng Rice Tariffication Law at sa pagbubunyag sa mga problema sa agricultural smuggling at iba pang iregularidad na nakaapekkto sa agrikultura.

Kumpiyansa rin ang grupo na sa liderato ni Recto ay mababawasan pa ang taripa sa agricultural products at tiyak na mababawasan ang mga kaso ng undervaluation at misdeclaration ng agricultural imports.

Suportado rin ni Recto ang pagtatayo ng Cold Examination Facility in Agriculture (CEFA), isang state-of-the-art examination facility ng lahat ng imported na hayop, isda, gulay at iba pang agricultural commodities, sa Angat, Bulacan.

About The Author