dzme1530.ph

MAS EPEKTIBONG SUICIDE PREVENTION MEASURES, IGINIIT NG ISANG SENADOR

Loading

IGINIIT ni Senador Christopher “Bong” Go ang pangangailangang tugunan ang lumalalang krisis sa kakulangan ng mga mental health professional sa bansa.

 

Partikular ito ang kakulangan ng guidance counselors, psychologists, at psychiatrists na dapat sana’y tumutulong sa mga kabataang Pilipino.

 

Ayon kay Go, maraming kabataan ang naiiwang walang sapat na gabay at suporta dahil sa kakulangan ng mga eksperto sa larangan ng mental health.

 

Bilang chairperson ng Senate Committee on Youth, iginiit ni Go ang pangangailangang palakasin ang suporta ng pamahalaan sa kabataan, lalo na sa edukasyon, sports development, at mental health services.

 

Dapat din anyang tiyakin na napupunta sa makabuluhang programa ang pondo ng gobyerno at hindi nasasayang o napapabayaan, na nagdudulot umano ng “malaking vacuum” sa pagtugon sa pangangailangan ng kabataan.

 

Ipinaalala ni Go ang nakaaalarmang datos mula sa Department of Education na nagsasabing 404 na mag-aaral ang nagpakamatay noong 2021, habang 2,147 naman ang nagtangkang magpakamatay.

 

Nanawagan si Go ng isang whole-of-society approach upang matugunan ang problema, sa pamamagitan ng mas matibay na koordinasyon sa pagitan ng pamahalaan, mga eksperto, at iba’t ibang sektor.

About The Author